-- Advertisements --
Matagumpay na naidepensa ni UFC middleweight world champion Israel Adesanya ang kaniyang titulo laban ay Jared Cannonier.
Pinaulanan ng 32-anyos na si Adesanya ng mga suntok at sipa ang kalaban sa UFC 276 main event na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas at nakuha ang unanimous decision.
Nakipagsabayan si Cannonier sa round 3 subalit hirap din ito ng makabangon para pantayan ang mga suntok at sipa ni Adesanya.
Nagkumahog na si Cannonier sa round 4 at round 5 subalit hindi na ito nakahabol pa.










