-- Advertisements --
DSWD SEC REX GATCHALIAN

Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing housing o pabahay ang mga lumang isolation facilities para sa mga homeless na naninirahan sa mga lansangan.

Sa kasalukuyan ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mayroon lamang 76 residential care facilities na mayroong mandato na pagbibigay ng shelter para sa mga senior citizen at inabandonang mga bata.

Ani Gachalian ang pangunahing pasilidad sa Metro Manila ay ang Fabella Center na kasalukuyang tahanan sa halos 300 hanggang 400 katao.

Ipinaliwanag pa ng DSWD official na plano rin ng ahensiya na magsagawa ng pilot ng outreach program sa Pasay City at palawigin pa sa ibang mga siyudad para mapalakas pa ang special protection ng mga pamilya sa mga nasa lansangan.

Ayon pa sa opisyal, sa kasamaang palad marami sa taong mga kababayan ang naninirahan na lamang ngayon sa mga gilid ng kalsada kayat nais aniyang matiyak na mailipat ang mga ito sa care facilities ng ating bansa.

Subalit dahil na rin sa limitadong struktura, tinatrabaho na ng ahensiya katuwang ang iba pang government agencies na gumamit ng old isolation facilities.

Nakikipag-usap na rin ang DSWD sa Department of Tourism, Base Conversion and Development Authority kaugnay sa paghiram ang mga napatayo ng isolation facilities bilang interim housing dahil ang layunin aniya ay maibalik ang mga kababayan nating nasa lansangan sa kani-kanilang pinagmulang probinsiya.

Tiniyak din ng kalihim na mayroong existing program ang pamahalaan para matiyak na mabibigyan ng economic opportunities ang mga magbabalik sa kanilang mga probinsiya.