-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Islamic State jihadist group na napatay sa pakikipaglaban ang kanilang leader na si Abu Hasan al-Hashimi al-Qurashi.

Sinabi ng tagapagsalita ng grupo na ang Iraqi leader nila ay nasawi habang nakikipaglaban kasama ang sundalo ng diyos.

Hindi naman na ito nagbigay pa ng anumang detalye sa pagkasawi ng kanilang lider.

Dahil sa pangyayari ay inanunsiyo rin ng grupo ang pagtalaga ng kanilang bagong lider sa katauhan ni Abu al-Hussein al-Husseini al-Qurashi.

-- Advertisement --

Maguguintang napatay sa taong din ito ang dati nilang lider na si Abu Ibrahim al-Qurashi sa ginawang raid ng US sa Idlib province ng northern Syria.

Napatay din ang dating lider nila na si Abu Bakr al-Baghdad noong Oktubre 2019.