Para kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor Benjamin Diokno malaking tulong sa ekonomiya ng bansa ang bagong batas na nilagdaan ng pangulo para sa bangko ng mga Muslim.
Ayon kay Diokno, maraming oportunidad ang tiyak na magbubukas para sa mga kapatid nating Muslim sa ilalim ng Republic Act No. 11430 o Islamic Banking Law.
Inaasahan ng opisyal na magagamit ng mga Muslim ang batas para sa kalakalan at pagbibigay serbisyo, lalo na yung mga residente sa Bangsamoro region.
“This is expected to widen opportunities for Muslim Filipinos, including those from the Bangsamoro Region, in accessing banking products and services. This is a great stride in our financial inclusion mandates.”
Sa ilalim ng bagong batas, walang interes ang operasyon ng Islamic bank, alinsunod sa Shari’ah Law.
Susundin din ng banking operations ang prinsipyo ng Islamic law kasama ang kapangyarihang igagawad sa mga korporasyon.
Sa ngayon pinabubuo na ang inter-agency working group ng regulatory framework para sa Islamic banking and finance.
Batay sa datos ng BSP, 10-porsyento ng populasyon sa bansa ang katumbas ng mga Muslim na siyang pinaka-malaking potential market ng Islamic banking.