-- Advertisements --

Bukas si Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno Domagoso sa ideya na tanggappin ang mga senatorial candidates mula sa ibang mga partido.

Ang tanging kondisyon lamang niya sa mga ito ay hayagan ding ipahayag ng mga senatorial candidates na ito ang kanilang suporta hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang running mate na si Dr. Willie Ong.

Subalit naniniwala si Moreno na kailangan iisang presidential candidate lamang ang susuportahan ng mga guest senatorial candidates. 

Maituturing din kasi aniyang panlilinlang sa taumbayan kung dalawa o mas marami pang presidential candidate ang sinusuportahan ng mga guest senatorial candidates.

Gayunman, anuman ang kulay sa politika ng mga nagnanais na maging guest senatorial candidate sa kanilang hanay ay handa naman aniya nila tanggapin ang mga ito.