-- Advertisements --
Inako ng Islamic State ang naganap na bomb attack na ikinasawi ng security guard at ikinasugat ng grupo ng mga mamamahayag at mga bata sa Mazar-i-Sharif City sa Afghanistan.
Ang nasabing bomba na inilagay sa parcel ay tinarget ang mga grupo ng mamamahayag.
Naganap ang insidente sa loob ng Shiite center kung saan nandoon ang ilang mga mamammahayag.
Naganap ang insidente dalawang araw matapos ang suicide bombing na ikinasawi ng Taliban governor sa Balkh province.