Nagpahayag ng suporta ang PNP sa inisyatibang magtatakda ng mandatory military Service sa mga mamayan.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Roderick Augustus Alba, maaring hindi sapat ang National Service Training Program (NSTP) at Reserve Officer Training Course (ROTC) para makumpleto ang kasanayan na ibinigay ng aktuwal na serbisyong militar.
Paliwanag ni Alba, kapag may malakas na Reserve Force ang militar na maaring imobilisa sa panahon ng emergency, mas makakatutok ang AFP sa panlabas na depensa.
At maging ang PNP ay makakatutok din aniya sa panloob na seguridad, pagpapatupad ng batas, at pampublikong seguridad.
Dagdag ng heneral, kapag ang karamihan ng mga mamayan ay may sapat na kasanayan sa pagligtas ng buhay, pagmamahal sa bansa at disiplina, mas epektibong makakatugon ang bansa sa mga “natural emergencies” na bahagi na ng buhay sa Pilipinas.