BOMBO DAGUPAN – Naging payapa ang isinagawang Barangay at Sanggunian Kabataan Elections sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Pcapt. Renan Dela Cruz, Public Information Officer ng lalawigan, ‘generally peaceful’ ang isinagwang eleksyon kahapon dahil walang naitalang anumang isnidente.
Nagpabot naman ito ng psasalamat sa mga botante, dahil nakiisa ang mga ito, sa adhikain ng kanilang ahensya at ng pamahalaan na mapanatili ang maayos at mapayapang eleksyon.
Kaugnay nito, patuloy naman aniya ang kanilang pagbabantay sa mga kandidato nang sa gayon ay hindi makakuha ang mga ito ng puwang na makagawa ng masama.
Dagdag pa ni Dela Cruz, patuloy din ang kanilang pagpapatupad ng checkpoint, oplan sita,at gunban sa lalawigan upang mapnatili pa rin ang kaligtasan at kapayapaan ng mga residente.
Sa kasalukuyan, ay patuloy din ang kanilang ginagawang brepikasyon sa mga napapaulat na may mga katiwalian o karahasang naitatala sa ibang mga barangay.










