-- Advertisements --
image 141

Patay ang isang peacekeeper habang sugatan ang apat na iba pa, dahil sa panibagong pag-atake ng mga jihadist sa Northern Mali.

Batay sa naging pahayag ng United Nations Multidimensional Integrated Stabilization Mission in Mali (MINUSMA), isang ‘complex attack’ ang isinagawa ng mga jihadist kung saan pinasabog nila ang isang Improvised Explosive Device(IED) at ipinukol sa isang patrol unit, na nasa bayan ng Ber.

Sa kasalukuyan ay hindi pa inilalabas ng UN peacekeeping mission ang nationality ng mga biktima.

Maalalang hindi ito ang unang pag-atakeng ginawa ng mga jihadist laban sa mga ipinapadala ng UN na miyembro ng Peacekeeping Forces nito.

Kadalasang nagiging target ang MINUSMA dahil itinuturing ito ng mga jihadists na bahagi o extension ng pamahalaan ng Mali.

Simula nang nabuo ang MINUSMA noong 2013, umabot na sa 186 na miyembro nito ang namatay dahil sa pag-atake.