-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang retiradong sundalo habang sugatan naman ang asawa nito matapos nabundol ng jeep ang minamanehong traysikel sa Barangay 1 Poblacion, Roxas Street, San Miguel, Iloilo.

Ang sundalo ay si Romeo Sioson, 52, at ang maybahay naman nito ay si Liberty Sioson, 51.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Staff Sergeant Ritchie Alcala, imbestigador ng San Miguel Municipal Police Station, sinabi nito na papunta sana ang mag-asawa sa water refilling station ng nabundol ng nakasunod na depampasaherong jeep.

Samantala, patay rin ang isang pulis nang maaksidente nga minamanehong motorsiklo sa Barangay Botong, Oton , Iloilo.

Ang pulis ay si Police Staff Sergeant Benjamin Gomez, assigned sa Tigbauan, Municipal Police Station.

Ayon kay Police Captain Robert Jayson Pancha, hepe ng Oton Municipal Police Station, nagmamaneho si Gomez ng motorsiklo nang masagasaan nito ang isang babae ngunit siya ang napuruhan .