Isang tao ang namatay at 84 na iba pa ang nasugatan sa nangyaring protesta sa Colombo, Sri Lanka.
Nahihirapan umanong huminga ang 26-anyos na biktimang lalaki matapos mag-lobby ang mga pulis ng tear gas sa mga nagprotesta.
Itinalagang acting president si Sri Lanka’s Prime Minister Ranil Wickremesinghe matapos tumakas si Pangulong Gotabaya Rajapaksa sa bansa.
Ngunit ang desisyon ay nagdulot ng karagdagang mga protesta na humihiling na magbitiw din siya.
Ang mga opisyal ng Colombo National Hospital ay nagsabi na ang mga pinsala ay nagmula sa mga nagpoprotesta na nasa labas ng opisina ng punong ministro gayundin sa mga nasa labas ng parlamento.
Nagpaputok ng tear gas ang mga pulis sa mga nagpoprotesta na nagtangkang sirain ang mga pintuan ng opisina ng punong ministro sa Colombo, bago tuluyang pumasok.
Nang maglaon ay tumungo sila sa parlamento.
Sinabi ng tagapagsalita ng militar na isang sundalo at opisyal ng pulisya ay kabilang sa mga nasugatan, at sinasabing ang isang assault rifle na may mga bala ay ninakaw ng isang nagpoprotesta at hindi pa nababawi.