BOMBO DAGUPAN – Pinuri ng isang political analyst na si Froilan Calilung ang magandang paglalatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Philippine development plan ngayong 2023 at ang pagbibigay nito ng kasiguruhang mayroon ng direksyon partikular sa pagpapalago ng economic fundamentals ang Pilipinas.
Ito rin ang kaniyang mga tinukoy na dahilan kung bakit na-enganyo ang mga mamamayang Pilipino upang bigyan ng magandang ratings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Social Weather Stations (SWS).
Maaaring nakita rin aniya ng mga Pilipino ang sinserong paglalakad ng administrasyong Marcos patungkol sa kung paano nito kaharapin ang mga nararanasang krisis sa bansa tulad na lamang ng kakulangan ng mga hanapbuhay na pilit namang tinutugunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng malimit na paglabas ng pangulo sa bansa upang kumuha ng mga foreign direct investments.
Makatutulong kasi aniya ang pagkakaroon ng foreign investors upang para palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming hanapbuhay, pagkakaroon ng mas mataas na taxation base at paglalatag ng mas maayos na plano sa hinaharap.
Opinyon naman nito na ang epekto ng pagsama ng pangulo ng kaniyang mga delegasyon sa bansang Japan ay makikita sa kung ano ba talaga ang mga investment packages na nagiging aktwal na investments dahil hindi maaaring pledges lang ang makuha ng Pangulo sa pagpunta niya rito.
Dagdag pa nito na mahihirapan din namang makahikayat ang Pilipinas ng mga foreign investors kung mananatili lamang ang Pangulo sa bansa.
Ang ginagawang paglabas ng bansa ng pangulo ay upang i-market ang Pilipinas sa ibang bansa at bilang salesman, dapat talagang lumabas ito.
Samantala, opinyon naman ni Calilung ukol sa hindi pa rin pagtatalaga ni Pangulong Marcos ng bagong secretary ng Department of Agriculture (DA) marahil ay hindi pa umano nailalatag ang nais nitong mangyari sa plataporma.
Nais naman ng pangulo na mag-appoint ng hahawak sa naturang programa ngunit opinyon niya na baka gusto lamang ng pangulo na maging epektibo ang mamumuno rito.