-- Advertisements --
israel 3 2023 10 28 13 11 08

Isinasapinal na ng Embahada ng Pilipinas ang paggamit sa isang pilgrim house sa Israel para na magsisilbing temporary shelter para sa mga OFWs na maaapektuhan sa nagpapatuloy na kaguluhan.

Ayon kay Vice Consul Teri Adolf Bautista, ang naturang plano ay kung kakailanganin ng biglaang paglikas ng mga OFWs na nakabase sa mga lugar na maaaring abutin ng kaguluhan doon.

Ang naturang istraktura ay tinatawag na Tabgha Pilgerhaus, isang pilgrim house na naipatayo malapit sa Sea of Galilee sa Northern Israel.

Ayon pa kay Bautista, naun na nilang kinausap ang director ng naturang pasilidad at pumayag naman ito sa naging proposal ng embahada ng Pilipinas.

Maliban sa naturang pilgrim house, nakipag-usap na rin ang embahada sa Saint Joseph Latin Church na nasa Haifa Region upang hilingin na magamit ito ng mga Pinoy workers, na nakabase sa Haifa, sa sandaling kailanganin din nila ang paglikas.

Ang naturang parokya ay maaari umanong magamit bilang bilang temporary shelter at assembly area, sa kaling kailangan na itong gawin.

Sa kaslaukuyan, nakatutok ang mga otoridad sa sitwasyon ng mga OFWs na nasa Israel dahil sa hindi pa rin natitigil na kaguluhan doon.

Ayon kay Vice Consul Bautista, maging ang mga rehiyon na malayo sa Gaza o sa lugar kung saan unang pomutok ang kaguluhan ay tinutungo rin nila upang matiyak ang maayos na kundisyon ng mga Pinoy workers doon.