-- Advertisements --
NAIA

Humiling ang Bureau of Immigration sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang isang pastor na napaulat na nagrerecruit ng mga Pilipino bilang pilgrims kapalit ng fees na pumapalo mula P75,000 hanggang P150,000 kada recruit.

Kalaunan, hindi na nakabalik pa sa bansa ang narecruit na pilgrims ay kasalukuyang pinagpapalagay na nagtratrabaho o stranded sa ibang mga bansa.

Hiniling ni BI Commissioner Norman Tansingco ang tulong ng NBI para sa imbestigasyon ng insidente matapos na naharang ng immigration officers ang 6 na Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes bago pa makaalis ng bansa patungong Amman, Jordan.

Ang kaso ng 6 na Pilipino ay pinadala na sa Inter-Agency Council Against Tafficking (IACA