-- Advertisements --
LA UNION – Isang 42-anyos na mister at panadero ang umano’y nagpakamatay gamit ang dalawang container ng gasolina.
Nangyari ang insidente sa Barangay Calincamasan, San Juan, La Union.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan Police, nagwala umano ang biktima bitbit ang dalawang container ng gasolina.
Pumasok sa panaderya at nakita na lamang na mga residente doon na nasusunog na ito kabilang ang katawan ng biktima.
Dinala pa ang biktima sa pinakamalapiut na pagamutan ngunit idineklara ng attending physician na patay na ito.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari.