-- Advertisements --
image 634

Nangako si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na tututulan ang panukalang sovereign wealth fund, na muling umabot na sa pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo.

Si Sen. Mark Villar ay nag-sponsor ng revised version ng Maharlika Investment Fund bill sa plenaryo ng Senado.

Nagbabala ang mambabatas sa publiko tungkol sa Maharlika Investment Fund, na aniya ay bibigyan ng kapangyarihang mag-loan.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang iminumungkahing source para sa paunang capitalization ng MIF ay isasama ang investible funds ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Binigyang-diin din ni Pimentel na ang panukala ay hindi kailanman binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa kanyang kampanya noong 2022 elections.

Gayunpaman, nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa mabilis na pagpasa ng panukalang batas, upang magkaroon ng dagdag na pondo ang gobyernopara matustusan ang malalaking proyektong pang-imprastraktura para sa bansa.