-- Advertisements --
image 206

Inaresto ang isang Malaysian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makuha ang mahigit P25 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa kanyang bagahe.

Kinilala ng mga awtoridad sa paliparan at ng Bureau of Custom (BOC) ang suspek na si Mohammad Athsham Bin Mohammad Afzal, 27 taong gulang.

Dumating si Afzal sa NAIA Terminal 3 mula sa Madagascar sa pamamagitan ng Addis Ababa, Ethiopia.

Ayon sa mga awtoridad, isinailalim sa inspeksyon ang mga bagahe ni Afzal sa kanyang pagdating kung saan nakuha ang 3.7 kilos ng iligal na droga na tinatayang nasa P25,308,600.00 ang halaga.

Sa ngayon, itinurn-over na ang suspek sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa karagdagang imbestigasyon.