-- Advertisements --

Ipinagmalaki ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na walang naging problema sa kanilang pagbabantay sa iba’t ibang port sa bansa sa kasagsagan ng Holy Week.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division Chief, nagkaroon lamang daw ng bahagyang pagtaas sa mga dumating na pasahero noong Good Friday at Black Saturday.

Aniya, nasa kabuuang 13,783 passengers na pasahero lamang ang dumating noong Biyernes habang 15,234 ang dumating noong Sabado,

Kaunti lamang daw ang naidagdag dito kumpara sa 11 hanggang 12,000 na average arrivals sa mga nagdaang araw.

Pero mayroon naman daw naitala ang kanilang mga Immigration officers na mahigit 12,000 departure ng mga pasahero sa nakaraang linggo.

Una rito, inilagay ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga frontline immigration officers sa high alert dahil na rin sa inaasahang pagdami ng mga travellers sa kasagsagan ng Semana Santa.