-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki na gumagawa ng iligal na mga paputok sa lalawigan ng Bulacan.

Base sa report na isinumite kay Bulacan Police Director Col. Relly Arnedo, ang naarestong indibidwal ay isang 38 anyos na lalaki mula sa Sitio Bihonan, Barangay Biñang 1st, Bocaue, Bulacan.

Ayon sa kapulisan, bigong makapagpresenta ang suspek ng lisensiya, permit at iba pang kaukulang mga dokumento.

Ang mga nakumpiska mula sa suspek ay 2 piraso ng Judas belt, 4 na pakete ng Kabase na may lamang 10 piraso kada pakete, 4 na pakete ng Plapla na10 piraso kada pack.

Nasabat din ang 10 piraso ng Kingkong at iba pang paraphernalia sa paggawa ng mga paputok na may kabuuang market value na Php 4,120.

Inihahanda na ang reklamong kriminal laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act (RA) 7183, o “An Act Regulating the Sale, Manufacture and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Device.