-- Advertisements --

Kinalampag muli ng isang environmental group ang mga Mines and Geosciences Bureau pahinggil pa rin sa operasyon ng Apex Mining company sa Barangay Masara, sa Maco, Davao de Oro.

Batay kasi sa mga datos, kabilang ang lugar na pinangyarihan ng pagguho ng lupa sa listahan ng “high-risk areas” sa Davao mula pa noong taong 2008.

Ito ang dahilan kung bakit pinagpapaliwanag ngayon ng ilang environmental group ang Mines and Geosciences Bureau kung bakit pinahintulutan ang naturang mining firm na mag-operate sa lugar sa kabila ng mga panganib na maaaring mangyari.

Sa katunayan ay idineklara rin anila sa nasabing lugar ang “no-build zone” kung kaya’t bakit anila pinayagan ang Apex Mining Corporation.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa sinasagot ng Mines and Geosciences Bureau ang mga katanungan ito ng ilang environmental group.

Kung maaalala, una nang sinabi ng bureau na sanhi ng natural factors ang naganap na landslide sa lugar na kumitil ng halos 100 katao.