-- Advertisements --

Nagbabala ang isang infectious disease expert sa posibilidad na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa oras na maging boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemask sa indoor places.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante na bagamat nakatakda pa lamang na maglabas ng isang executive order ang Pangulo sa pagluluwag ng facemask mandate sa indoors, ay hindi na aniya ito nakakagulat at sa ngayon ay may agam-agam pa rin ito lalo na’t nakapasok na sa bansa ang mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant.

Hindi aniya maisasantabi na may risk o banta sa oras na gawing optional ang pagsusuot ng face mask gaya ng pagsipa ng mga kaso.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Solante na mayroon pa ring posibilidad ng impeksyon sa indoor settings lalo na kung nasa crowded o mataong lugar. Maari ding maging mapanganib ito para sa mga hindi pa bakunado at vulnerable sector sakaling magpasya ang publiko na hindi magsuot ng facemask dahil optional na.

Subalit naun ng sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na ang mga indibdiwal na hindi pa bakunado kontra covid-19 , ang mga may comorbidities at senior citizens ay highly encouraged pa rin na magsuot na face mask kapag nasa indoor.

Gayundin, inirerekomenda pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon, medical transportation at medical facilities.

Sa kabilang banda naman ayon sa eksperto na may magandang bentahe din ito dahil mabibigyan ng pagkakataon ang bawat indibdiwal na magpasya kung ano ang makabubuti para sa kanila kung tatanggalin nila o hindi kapag nasa indoor.

Sa parte naman ng Department of Health (DOH) naninindigan ang ahensiya na mas maproprotektahan laban sa covid-19 sa pamamagitan karagdagang layers of protection gaya ng pagsusuot pa rin ng face mask, pagbabakuna, physical distancing, maayos na bentilasyon, sanitation at pag-alaga sa ating kalusugan.

Hinimok din ng ahensiya ang publiko na timbangin muna ang personal risk sa virus bago tanggalin ang face mask lalo na sa holiday season.