-- Advertisements --

BOMBODAGUPAN – Arestado ang isang construction worker matapos na gahasain ang isang 12-anyos na Persons with Disabilities (PWD) sa loob mismo ng bahay ng biktima sa bayan ng Calasiao, lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. James Corsino, Deputy Chief of Police ng Calasiao Police Station, isang construction worker ang suspek na edad 58 anyos na malayong kamag-anak ng biktima.

Base sa testimonya ng tatlong menor de edad na naging saksi, naabutan nilang nakaibabaw umano ang hindi pinangalanang suspek sa biktima sa loob ng kaniyang bahay.

Agad naman umanong humingi ng tulong sa mga nakatatanda ang mga naturang saksi.

Napag-alaman sa guardian ng biktima na ito ay may kapansanan sa pandinig at pananalita.

Sinabi nito na tumawag ang barangay kagawad sa pulisya at sinabing may panghahalay na naganap sa kanilang barangay.

Agad naman rumesponde ang kapulisan na pinangunahan ni PCAPT. Oliver Sali na nagresulta sa pagkaka-aresto dito.

Sa kasalukuyan ay nahaharap ang sus[ek sa kasong statutory rape with no bail.

Paalala na lamang ni PCAPT. Corsino sa mga magulang na huwag papabayaan ang mga anak, at huwag iwan sa kung kani-kanino lamang at laging bantayan ang mga ito upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente.