-- Advertisements --
image 256

Hinatulang guilty ang isang pulis ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) dahil sa pag-torture at pagtatanim ng ebidensiya sa pagpatay sa dalawang kabataan na sina Carl Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot” de Guzman na pinaniniwalaang ang mga kaso ay may kinalaman sa madugong war on drugs ng nagdaang Duterte administration.

Sa desisyon na inilabas ng Public Attorney’s Office (PAO), napatunayang guilty beyond reasonable doubt si Patrolman Perez para sa lahat ng kasong krimen na isinampa laban sa kaniya.

Si Perez ay convicted sa paglabag sa Section 4 at 14 ng Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009 sa mga biktima. Napatunayan din itong guilty sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act dahil sa pagtatanim nito ng ebidensiya kay Arnaiz.

Sinentensiyahan ng reclusion perpetua o hnaggang 40 taong pagkakakulong si Perez.

Pinag-utos din ng korte ang multang P1 million para sa moral damage sa iniwang pamilya ng dalawang biktima at exemplary damages na nagkakahalaga ng P1 million o kabuuang P2 million sa kada tagapagmana ng mga biktima.