-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Isinasailalim sa total lockdown ang Barangay Betwagan sa Sadanga, Mountain Province kahit walang naitalang kaso ng COVID-19 doon.
Nagsimula ito noong Mayo 9 at magtatapos pagkatapos ng dalawang linggo o sa Mayo 21.
Batay sa Baranggay Executive Order No. 1 series of 2020 ni Punong Baranggay Agustin Agpawan, ito ay dahil sa pagpasok sa Betwagan ng ilang indibidwal na nagmula sa lugar na nakapagtala ng maraming kaso ng COVID 19.
Dahil dito, mahigpit na ipinatupad ang no entry at no exit sa Betwagan at ipinag-utos ang maagang pagsasara ng mga pamilihan, gayundin na mahigpit na ipinagbabawal ang pagtitipon ng mga residente.