
Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais niyang isang eksperto sa agrikultura ang susunod na magiging kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Sa gitna ito ng kasalukuyang krisis na kinakaharap ngayon ng bansa na may kaugnayan at apektado ang agrikultura ng Pilipinas.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Marcos Jr. na nais niyang isang taong lubos na nakakaunawa sa agham ang susunod na tatayong kalihim ng nasabing kagawaran, at hindi aniya kung sino-sino lamang na magaling mag-manage ng mga bagay-bagay.
Isang napakumplikadong bagay kasi aniya ang usapin sa agrikultura kung kaya’t dapat na isang taong ganap na makakaintindi sa solusyon at sistema nito ang mamamahala rito.
Una nang hinimok na rin ng Senate minority bloc ang pangulo na magtalaga na ng full-time secretary ng Department of Agriculture (DA) na titiyak sa food security ng Pilipinas.
Ngunit ayon kay Marcos Jr. ay tatapusin daw muna nila ang mga mahihirap na bagay na nasa “bucket list” ng ahensya atsaka niya sa ibang tao ang pamumuno rito.










