BOMBO DAGUPAN – Hindi naman umano obligado si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na umuwi ng Pilipinas dahil lamang sa utos ng Kamara kundi ang implementasyon nito ay galing lamang sa pagiging public official niya.
Ito ang saad ng isang abogado ng Pangasinan na si Atty. Joseph Emmanuel Cera.
Masyado pa aniyang maaga upang itrato si Teves bilang isang pugante dahil wala pang matukoy tungkol sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na naka-indicate ng si Teves mismo via criminal complaint ang tinutukoy dahil wala pa umanong preliminary investigation na nagaganap.
Dahil wala pa aniyang preliminary investigation, wala pang resolusyon na makukuha o maibibigay sa Department of Justice (DOJ).
Ngunit pagdidiin ni Atty. Cera na kung may nakahain ng demanda laban sa naturang indibidwal at kung magsisimula na sa imbestigasyon ang DOJ, magkakaroon ng subpeona na criminal complaint na ibibigay sa kaniya at obligado umanong itong sagutin iyon sa loob lamang ng sampung araw kung saan kinakailangan nitong magpasa ng kaniyang counter affidavit wala man ito sa bansang Pilipinas ay obligado siyang sagutin ito.
Maaari umano itong ibigay sa address ng bahay na pagmamay-ari niya at kung hindi niya sasagutin ay magiging disadvantage niya dahil kung sakali ay ibedensya lamang ng complainant ang ikokonsidera ng prosecutor.
Kung malakas aniya ang ibedensiyang maihahain kay Teves, talagang kakasuhan at kakasuhan ito ng probable cause at kalauna’y magkakaroon ng warrant of arrest na siyang maglilitis ng criminal case laban sa kaniya.