-- Advertisements --
Hinimok ng Filipino-Chinese businessmen ang pamahalaan na ikonsidera ang pagbibigay na ng bakuna sa mga itinuturing na economic frontliners.
Ayon kay Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) president Henry Lim Bon Liong, mahalagang agad maisama na sa immunization ang mga nasa micro, small & medium enterprises (MSMEs).
Aniya, ang maliliit na mangagawa at negosyante ang “backbone” ng Philippine economy, kung saan kasama rin dito ang factory workers, sales ladies at drivers.
Ang mga ito raw ang mga nagtatrabaho kahit sa panahon ng pandemya, para may pagkain at serbisyong makuha ang mga nasa quarantine.