-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 9 na magkakasunod na pagyanig ang lalawigan ng Isabela simula kaninang madaling araw.
Naitala ang walong magkakasunod na pagyanig sa San Mateo, Isabela kaninang madaling araw na mayroong magnitude na mula 1.7 hanggang magnitude 2.8
Bago ala-una kaninang madaling araw ay naranasan ang pinakamalakas na magnitude 4.1 sa bayan din ng San Mateo, Isabela.
Maliban sa San Mateo ay naramdaman din ang nasabing pagyanig ng mga kalapit lugar na kinabibilangan ng bayan ng Cabatuan, Cauayan City at maging ang Santiago City na mayroong 1.8 magnitude
Tectonic ang origin ng mga nasabing pagyanig.