-- Advertisements --

Batid umano ng mga kaibigan ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera kung gaano ito “ka-wild” kapag nakainom.

Ito ang naging pahayag ng isa sa mga kaibigan ng biktima na kasama nito noong gabi na sinalubong nila ang bagong taon sa City Garden Grand Hotel sa Makati noong Enero 1.

Sa isang Facebook post, inamin ni Valentine Rosales na siya ang lalaking hinalikan at niyakap ni Dacera sa pasilyo ng tinutuluyang hotel bandang alas-2:52 ng madaling araw.

Inilabas din nito ang mas mahabang version ng CCTV footage na nagpapakitang bahagya nitong tinulak ang biktima at kumawala sa yakap ni Dacera.

Si Rosales ay isa lamang sa humigit-kumulang 12 indibidwal na hinihinalang “suspek” sa pagkamatay ng dalaga.

Pinalaya kahapon sina John dela Serna, Rommel Galido at John Paul Halili batay na rin sa utos ng Makati Prosecutor’s Office.

Ayon dito kulang ang ebidensya para idiin ang mga ito sa krimen.

Sa halip ay inatasan ng Makati Prosecutor’s Office ang mga otoridad na magsagawa ng preliminary investigation hinggil sa kaso sa darating na Enero 13 para tiyakin kung tunay nga ba ang mga haka-haka na ginahasa bago patayin si Dacera.

Hirit pa ni Rosales na sa pamamagitan ng kumpletong CCTV footage ay makikita na labas pasok umano si Dacera sa Room 2209 na siya mismo ang nag-book.

Para naman sa kampo ng mga Dacera, kung ito