-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 18 taon si Stewart Rhodes ang founder at leader ng Oath Keepers, na siyang nanguna sa paglusob sa Capitol Hills para matapos na matalo sa halalan noong 2020 si dating US President Donald Trump.

Si Rhodes ang pangalawang Oath Keepers members na unang nahatulang makulong ng 12 taon si Kelly Meggs ang lider naman sa Florida contingent ng grupo.

Ayon kay District Judge Amit Mehta, na hindi magandang halimbawa ang nasabing mga suspek dahil sa hindi nila matanggap ang resulta ng halalan.

Ngayon lamang nagbaba ng hatol si Mehta ng ganun kabigat dahil sa nakita niyang isang banta sa demokrasya ng US ang ginawa ng grupo na sumusuporta kay Trump.