-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Jennifer Lopez na ang isa sa kambal niyang anak ay isang miyembro ng gender neutral pronouns.
Isinagawa nito ang nasabing anunsiyo ng makasama ang anak na si Emme Maribel Muñiz na kumanta sa stage ng LA Dodgers Blue Diamond.
Ipinakilala ng singer ang anak bilang gender neutral pronouns na they at them.
Kinanta ng anak nito ang “A Thousand Years” ni Christina Perri na may hawak na microphone na kulay rainbow na sumisimbolo ng LGBTQ.
Anak ng singer sina Emme at Max sa dating asawa na si Marc Anthony.