-- Advertisements --

Malungkot na ipinaalam ni Manchester United footballer Cristiano Ronaldo at partner nitong si Georgina Rodriguez ang pagpanaw ng kanilang anak na lalaki.

Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 37-anyos na Portugal na si Ronaldo at 28-anyos na si Rodriguez ang nasabing balita.

Ronaldo

Inaasahan kasi nila na kambal ang anak nila ngunit tanging ang babaeng sanggol lamang ang nabuhay habang ang kambal nitong lalaki ay namatay.

Humingi ang dalawa ng privacy at pagdarasal ang mag-asawa.
Magugunitang noong Oktubre ng i-anunsiyo ng dalawa ang pagbubuntis nito.

May anak na si Ronaldo na si Cristiano Jr, na isinilang noong 2010 at may anak din na kambal na sina Eva at Mateo na isinilang noong 2017 sa unang asawa habang may anak ito kay Rodriguez na si Alana Martina na isinilang noong 2017.