Iniulat ng Philippine Coast Guard na nakaabot na sa lalawigan ng Antique ang oil spill na pinaniniwalaang nanggaling sa lumubog na oil tanker sa Oriental Mindoro.
Sa ulat ng PCG District Western Visayas, namonitor ang nasabing oil spill sa shorelines ng Sitio Sabang, Brgy. Tinogboc, Liwagao Island, Brgy. Sibolo, at Sitio Tambak, Brgy. Semirara na pare-parehong nasa bayan ng Caluya sa lalawigan ng Antique.
Ayon sa coast guard, sa kasalukuyan ay mayroon nang ikinasang clean up operation sa nasabing mga lugar.
Kung maaalala, una nang iniulat ng mga marine experts na umabot na sa mahigit 24,000 hectares ng coral reef area sa lalawigan ng Mindoro ang naapektuhan na ng oil spill mula sa nasabing paglubog ng MT Princess Empress na may kargang 800,000 liters na industrial fuel oil.