Iniulat ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na humabol pa ang isang kumpanya mula sa Turkey na nagsumita ng kanilang mga bidding documents para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang naturang kumpanya ang pang-walong grupo o kumpanya na nagsumite ng kanilang bidding documents para para sa rehabilitasyon ng NAIA na una nang binuksan ng DOTr sa mga nakalipas na buwan.
Ayon sa kalihim, umaasa ang buong ahensiya na ‘best and final offer’ ang ipapakita ng bawat bidder.
Mayroon pa aniyang isan buwan upang i-assest ng DOTs ang mga bids na unang naisumite sa kanila habang ang submission ng bids ay hangang sa susunod na buwan pa.
Maaari aniyang sa unang kwarter ng 2024 ay mapipili na ang winning proponent o mananalong bidder.
Batay sa polisiya na susundin ng DOTr, ang winning proponent ay inaasahang magbabayad ng P30 billion pagkatapos mapili sa bidding.
Sa ilalim ng inaprubahang NAIA Public-Private Partnership (PPP) project, ang isasagawang rehabilitasyon ay sasakop sa mga pasilidad ng naturang paliparan na kinabibilangan ng gateway, runway, apat na terminal, at iba pang pasilidad.