-- Advertisements --
Lumipat na sa Dallas Maverick si Brooklyn Nets star Kyrie Irving.
Mismong si Irving ang humiling na ilipat bago ang NBA trade deadline noong Pebrero 9.
Hindi nakapaglaro ng maraming games si Irving dahil sa hindi ito sang-ayon na magpabakuna laban sa COVID-19.
Magiging kapalit ni Irving sina Spencer Dinwiddie, Dorian Finney-Smith at ang second-round draft picks sa 2027 at 2029 ganun din ang 2029 first-round pick para kay Irving.
Magugunitang sinuspendi si Irving ng limang laro dahil sa anti-semitic comment nito sa social media at ito ay humingi naman paumanhin.