Inihahanda na ng Department of Trade and Industry ang implementing rules and regulations(IRR) para sa Executive Order (EO) 41.
Ang naturang EO ay ang nababawal sa pag-impose ng mga pass-through fees sa mga national roads sa bansa.
Ayon kay DTI assistant secretary Jean Pacheco, natapos na ng technical working group na bumubuo sa naturang IRR ang kanilang mag public consultations at inihahanda na ang draft ng naturang IRR.
Anim na ahensiya ng pamahalaan aniya ang nakatutok sa pagbuo ng naturang draft na kinabibilangan ng mga sumusunod:
DTI, Department of Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, Anti-Red Tape Authority maging ang Department of Finance.
Patuloy din aniyang umaapela ang mga naturang ahensiya sa mag Local Government Units na tumugon sa naging apela ni PBBM na suspendihin ang pass-through fees sa mga local roads.
Sa kasalukuyan, ayon kay Pacheco, maraming mga LGU na ang tumugon sa naturang panawagan, lalo na ang mga LGU sa Metro Manila.