Iniulat ng Qatari Defense Ministry ang pagtama ng ilang Iranian missile sa pangunahin nitong gas facility sa Northern Coast.
Batay sa report, pinuntirya ng Iran ang malalaking pasilidad sa Ras Laffan Industrial City, isang Liquefied Natural Gas (LNG) hub sa naturang bansa.
Tinatayang aabot sa limang missile ang bumagsak sa naturang lugar kung saan isa rito ang tumama sa mahalagang oil facility.
Sa ngayon, wala pang ulat kung gaano kalawak ang naging pinsala ngunit sinabi ng ministry na nagdudulot ito ng malaking perhuwisyo sa gas facilities, residente, atbpang industriya sa lugar. Nagdulot din ito ng malawakang sunog sa lugar.
Tinukoy naman ng Qatari defense ministry ang naturang pag-atake bilang direktang banda sa national security ng Qatar.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamahalaan ng naturang bansa kung maghihiganti ito sa dinanas na pag-atake.
Maalalang una na ring nagbanta ang Iran na idamay ang mga regional energy facilities sa Middle East, kasabay ng pagsisimula ng giyera sa naturang rehiyon.
















