Maghihiganti umano ang bansang Iran sa Estados Unidos matapos ang di-umano’y pagpatay nito sa commander ng Islamic republic’s Quds Force na si General Qaem Soleimani noong nakaraang Biyernes.
Pagbabanta ni Iran’s supreme leader Ayatollah Ali Khamenei, dapat daw ay maghanda na sa matinding higanti ang kung sinomang kriminal na pumaslang kay Soleimani.
Sinabi pa ng pinuno ng Iran na dodoblehin ng kanilang pwersa ang pagbabantay na ginagawa sa kanilang bansa at sisiguraduhin na mananalo ang kanilang kampo kung sakali man na mauwi sa gyera ang gulong sinimulan ng America.
Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Iranian foreign minister Mohammad Javad Zarif. Aniya, isang act of international terrorism daw ang ginawang hakbang ng US sa pagpatay kay General Soleimani.
Kailangan din umanong panagutan ng Amerika ang kanilang ginawa na posibleng maging daan sa panibagong gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
Idineklara rin ang “three days of mourning” sa buong Iran bilang paggunita sa lahat ng naiambag ni General Soleimani sa Iranian government.