-- Advertisements --
Tiniyak ng Iran na sila ay gaganti sa ipinataw na sanctions ng US sa kanila.
Ayon kay Iranian President Hassan Rouhani, na isang uri ng pambu-bully ang ipinatupad na sanctions sa kanila ng US.
Dagdag pa nito maraming mga bansa ang hindi na sumasang-ayon sa US.
Magugunitang mula ng umalis ang US sa 2015 nuclear deal ay mas dinoble pa ng Iran ang paggawa ng kanilang nuclear warfare kaya nagpasya ang US na magpataw ng sanctions.