-- Advertisements --

Tiniyak ni Iranian President Ebrahim Raisi na mabibigyan niya ng mabigat na kaparusahan ang mga protesters.

Umabot na sa 31 probinsiya sa Iran ang nagsagawa ng anti-government protesters.

Sa mahigit na isang linggong kilos protesta ay umabot na sa 35 katao ang nasawi.

Naganap ang kilos protesta matapos ang pagkasawi ng 22-anyos na si Mahsa Amini sa kustodiya ng mga kapulisan.

Bagamat sinabi ni Raisi na kaniyang iimbestigahan ang pagkasawi ni Amini ay iginiit ng kaniyang Interior Minister Ahmad Vahidi na walang nangyaring pananakit sa dalaga.