-- Advertisements --

Binantaan ni Iranian President Ebrahim Raisi ang Israel na pagbabayaran nito ng mabigat ang ginawang airstrike sa Iranian consulate building sa Syria.

Isinagawa nito ang pagbabanta ng makausap niya sa telepono si Iraqi Prime Minister Mohammed Shia al-Sudani.

Pinuri din nito ang pagkakaroon ng parehas na posisyon ng Iran at Iraq laban sa Israel dahil sa pag-atake nito sa Gaza.

Magugunitang naglunsad ang Israel ng airstrike sa Damascus nitong Lunes na ikinasawi ng pitong miyembro ng Islamic Revolution Guards Corps (IRGC) kasama si Brig. General Mohammead Reza Zahedi ang senior commander ng IRGC extraterritorial Quds Force sa Syria at Lebanon.