-- Advertisements --

Nagtalaga na ang Iran ng bagong intelligence chief ng Revolutionary Guards kasunod ng pagkamatay ng dati nitong intel chief.

Pinili ni Iran Islamic Revolutionary Guards Corps (IRGC) commander, Major General Mohammad Pakpour si Brigadier General Majid Khadami na magsisilbi bilang bagong head ng intelligence division nito.

Papalitan ni BGen Khadami si Mohammed Kazemi, ang dating intel chief na nasawi sa naunang airstrike kasama ang dalawang matataas na opisyal ng IRGC na sina Hassan Mohaghegh and Mohsen Bagheri.

Samantala, sa isang panayam kay IRGC commander Pakpour, kampante siyang magagampanan ng bagong talagang intel chief ang kaniyang tungkulin, kasabay ng mga serye ng airstrike na ginagawa nito laban sa kalabang bansa.

Bumuti aniya ang lahat ng aspeto ng intelligence operation ng IRGC sa pamumuno ng namayapang intel chief na tiyak din aniyang masusundan ni Gen. Khadami.

Muli ring nagbabala ang Iranian war chief sa Israel ng mas mabigat na pag-atake sa mga susunod na araw.