-- Advertisements --

Muling inakusahan ng Iran ang US dahil sa paglabag nito sa kanilang pinirmahang Memorandum of Understanding.

Sinabi ni Iranian Foreign Ministry spokesman Esmaeil Baghaei, na lahat ng mga aspeto ng MoU ay nilabag ng US noong nakaraang linggo.

Inakusahan din ni Baghaei ang US na nagtutulak sa mga barko na gumamit ng “parallel route” sa Strait of Hormuz.

Ang nasabing ruta ay mas malayo sa ruta na pinayagan lamang ng Iran.

Paglilinaw nila na hindi ang Iran ang nagpasimula ng giyera at sa halip ay ipinagtanggol lamang nila ito.