-- Advertisements --

Itinanggi ng Iran ang akusasyon ng US na sangkot sila ang nag-uutos sa mga Houthi rebels na atakihin ang mga commercial vessels sa Red Sea.

Sinabi ni Iranian deputy foreign minister Ali Bagheri Kani, na wala silang anumang kinalaman sa akusasyon ng US.

Dagdag pa nito na mayroong sariling kakayahan ang Houthi na gawin ang nasabing pag-atake.

Magugunitang pinalakas ng US ang pagbabantay sa Red Sea sa magkakasunod na insidente ng pag-atake sa mga dumadaan na mga commercial vessels.