Hinuli umano ng Iran ang dalawang barko sa Strait of Hormuz noong Miyerkules, ayon sa semi-official ng Tasnim News Agency, sa gitna parin ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon at hindi malinaw na estado ng ceasefire negotiations.
Ayon sa ulat, isinagawa ng Islamic Revolutionary Guards Corps ang pagharang sa dalawang barko dahil sa umano’y maritime violations. Dinala ang mga ito sa baybayin ng Iran.
Ito ang unang ulat ng aktuwal na pag-huli ng barko mula nang sumiklab ang digmaan.
Kasabay nito, iniulat ng isang British maritime security agency na may tatlong barko pa ang tinamaan ng bala ng baril sa naturang daanan ng langis, na isa sa pinakamahalagang shipping route sa mundo.
Sa gitna ng kaguluhan, sinabi ni U.S. President Donald Trump na pansamantalang itinigil ang planong pag-atake sa Iran matapos umanong humiling ang Pakistani mediators, bagama’t hindi pa rin malinaw ang muling pagsisimula ng peace talks.
Gayunman, iginiit ni Trump ang patuloy na presensya ng U.S. naval blockade laban sa mga barko ng Iran.
Sinabi naman ng Iran na ang blockade ay tinuturing nila bilang “act of war” at nagbabala na hindi nito bubuksan ang Strait of Hormuz hangga’t nagpapatuloy ang pangigipit umano ng Amerika.
Bukod dito inulat din na umalingawngaw ang ilang putok ng baril sa ilang barko sa loob ng strait, kabilang ang mga container ships na umano’y inatake habang dumaraan sa lugar.
‘Wala namang naiulat na nasawi sa mga insidente.
Samantala, nananatiling hindi malinaw ang direksyon ng peace talks sa Islamabad matapos umanong hindi matuloy ang inaasahang pagpupulong ng mga delegasyon ng U.S. at Iran, sa gitna ng patuloy na hidwaan hinggil sa nuclear program ng Tehran at pag-kontrol sa Strait of Hormuz.















