-- Advertisements --

Tatlong lalaki ang binitay ng Iran nitong Miyerkules matapos hatulang nagkasala sa pakikipagtulungan umano sa Mossad, ang spy agency ng Israel, ayon sa naging ulat ng Mizan.

Batay sa ulat ang tatlo ay nagpuslit umano ng kagamitan na ginamit sa pagpaslang ng isang hindi pinangalanang indibidwal. Hindi naman ibinunyag ang karagdagang detalye kaugnay ng biktima o sa naging operasyon.

Matatandaang una nang binitay ang ilang indibidwal na inakusahang konektado sa Mossad kabilang sa mga paratang ay ang pagpatay sa mga nuclear scientist at mga sumabotahe laban sa nuclear program ng bansa.

Dahil dito nagpahayag ng pag-aalala ang ilang human rights groups sa kakulangan ng due process at transparency ng Iran para sa mga ganitong kaso.