-- Advertisements --
Nagangambang malaglag na sa FIFA World Cup ang Wales matapos na talunin sila ng Iran 2-0 sa Group B match sa Ahmad bin Ali Stadium.
Sa unang half ng laro ay walang naitala ang kapwa koponan dahil sa hindi pinayagan ang goal ni Ali Gholizaedh dahil sa offside base sa video assistant referee.
Pagpasok ng second half ay naipasok ni Rouzbeh Cheshmi para maitala ng Iran ang 1-0 na kalamangan.
Makalipas ang 11 minuto ay naipasok ni Ramen Rezaeian ang goal.
Tila nakabawi ngayon ang Iran mula ng tambakan sila ng England 6-2 sa kanilang opening game nitong Lunes.