-- Advertisements --
Nagbabala ang Iran sa mga bansa sa rehiyon na huwag magpagamit sa US para maglunsad ng pag-atake.
Ayon sa Iranian Military na hindi sila magdadalawang isip na gantihan ang sinumang bansa na hahayaang maglunsad ng pag-atake ang US.
Dapat aniya nilang isipin na mayroong mahigpit na ugnayan ang mga sundalo ng Iran at ang Iranian Revolutionary Guard Corps na kayang maglunsad ng mabigat na pag-atake.
Una rito ay naharang umano ng air defences ng IRGC ang MQ-9 drones ng US sa silangang bahagi ng Strait of Hormuz.
Magugunitang pumalo na sa tatlong katao ang nasawi matapos ang ginawang pag-atake ng US sa Larak Island sa Iran.















