-- Advertisements --

Nagpulong ang mga eksperto sa Iran at Ukraine para pag-usapan ang alegasyon ng paggamit ng Russia ng mga Iranian-made attack drones.

Kinumpirma ni Ukraine Ministry of Foreign Affairs spokesperson Oleg Nikolenko ang nasabing impormasyo subalit hindi na nagbigay pa ng ibang mga detalye.

Dagdag pa nito na inabisuhan na kasi ng Ukraine ang Iran sa mga nagdaang araw dahil umano sa paggamit ng Russia ng drone sa pag-atake sa Ukraine.

Nauna ng sinabi ng US na nakatanggap ang Russia ng ilang daang drones mula sa Tehran na ginagamit sa madugong atake sa Ukraine.

Magugunitang humiling din ang tagapagsalita ng Iraniain Mission to United Nation ng “joint expert meeting” para matalakay ang nasabing alegasyon.