KORONADAL CITY – Dinagsa ng maraming tagapakinig ng Bombo Radyo Koronadal na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa South Central Mindanao ang isinagawang Bombo Medico 2019 sa National Comprehensive High School.
Ayon kay Malayanang, lulan ng dalawang dumptrucks, dinayo nila kasama ang mga bata at matatanda galing sa liblib na lugar sa bayan ng T’boli ang venue upang ma-avail ang libreng check-up at makakuha na rin ng libreng gamot.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Kagawad Berting Malayanang ng Brgy Lambangan, T’boli, South Cotabato, sinabi nitong nasa 75 katao mula sa kanilang barangay ang kanyang inanyayahan upang dumalo sa medical, dental at optical services ng Bombo Radyo Koronadal.
Labis namang ikinatuwa ng mga indegenious peoples (IPs) ang nakuhang libreng check-up kahit na nanggaling pa ang mga ito sa malayong barangay sa probinsya at hindi inalintana ang naranasang pag-ulan sa lugar.
Maliban sa libreng check-up at gamot, nasorpresa din ang mga ito matapos na mabigyan ng libreng bigas na handog ng Bombo Medico 2019.